Regional Level High Value Individual sa illegal drug trade, arestado sa Davao City matapos isuplong ng ina sa awtoridad
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang 1.5 million pesos na halaga ng illegal an droga at arestado ang isang Regional Level High Value Individual sa illegal drug trade. Naaresto ang suspek matapos itong isuplong ng kanya mismong ina
Kinilala ang suspek sa alyas na “Angelo”.
Naganap ang operasyon dakong alas-9:30 ng umaga, araw ng Linggo, Agosto 10, 2025, sa Purok 6-A, Aplaya, Bunawan, Davao City, kung saan nakuha ng mga awtoridad ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱1,500,000.00 mula sa pag-aari at kontrol ng suspek.
Ang tagumpay na ito ay naging posible sa pamamagitan ng matapang na ulat ng sariling ina ng suspek, na direktang tumawag sa istasyon ng pulisya upang ibunyag ang pagkakasangkot ng kanyang anak sa iligal na droga.
Pinuri ni Davao City Police Director PCol Mannan Muarip ang aksyon ng ina ng suspek bilang patunay sa lakas ng community partnership at walang humpay na kampanya ng DCPO laban sa ilegal na droga.
Binigyang-diin niya na ang paglaban sa banta ng droga ay nangangailangan ng aktibong kooperasyon ng mga mamamayan, lalo na ang mga may kaalaman tungkol sa mga indibidwal na sangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga, dahil ang napapanahon at tumpak na impormasyon ay mahalaga sa pagtigil sa mga krimeng ito bago ito kumalat pa sa komunidad.
Comments