iMINDSPH
Pinagtibay ng Transportation at Communications Committee ng BTA Parliament ang isang resolusyon na humihikayat sa mga local government units na magpatupad ng regulations kaugnay sa unmanned aerial vehicles o UAVs, remotely piloted aircraft at drones.
Binigyang diin ni BTA Floor Leader at MILG Minister Sha Elijah Dumama-Alba na author ng resolusyon, ang panganib na dulot ng unregulated na paggamit ng drone sa rehiyon, gayundin ang mga unmanned aerial vehicles o UAVs at remotely piloted aircraft
Sinabi naman ni Bangsamoro Airport Authority Manager Johari Musa na dapat madaliin ang pagkakaroon ng regulatory framework dahil wala pa aniyang drone regulations sa BARMM communities.
Ipinanukala nito ang pagkakaroon ng sistema na may kaugnayan sa licensing at permits na pangangasiwaan ng National Telecommunications Commission o NTC at ng Civil Aviation Authority o CAA.
Inirekomenda naman ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na ikonsidera ng mga local governments ang pagpapatupad ng registration process sa lahat ng UAVs sa municipal level.
Kailangan aniyang magpaalam ng drone operator sa Philippine National Police at kinaukulang LGU.
Sinabi naman ni COTC Chair Baileng Mantawil na pinaplano ng komite na makipagpulong sa mga provincial government upang talakayin ang usapin.
Comments