top of page

Rehabilitative care, matatanggap na ng mga stroke survivors, persons with disabilities, at conflict victims kapag naisabatas ang Community-Based Physical and Rehabilitation Medicine (CBPRM) Program

  • Diane Hora
  • Jul 24
  • 2 min read

iMINDSPH


Itinutulak ni MP Dr. Hashemi Dilangalen sa BTA Parliament ang Parliament Bill No. 374, ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Community-Based Physical and Rehabilitation Medicine o CBPRM Program.


Nilalayon ng proposed measure na magkaroon ng mas magandang access sa rehabilitative care ang mga stroke survivors, elderly residents, persons with disabilities, at conflict victims sa Bangsamoro Autonomous Region.


Ninanais ng mambabatas na ma-decentralize at mapalawak ang rehabilitation services sa buong BARMM, partikular sa rural at conflict-affected areas.


Sa explanatory note sa proposed bill, tinukoy ang datos mula sa World Health Organization (WHO) na nagsasabing isa sa bawat tatlong tao sa buong mundo ang mangangailangan ng rehabilitasyon sa isang bahagi ng kanilang buhay. Gayunman, higit kalahati sa kanila—lalo na sa mga low- at middle-income countries—ang hindi nakatatanggap ng kinakailangang serbisyo.


Sa BARMM, ayon sa panukala, nakasentro lamang sa urban areas ang mga serbisyong rehabilitasyon sa BARMM. Marami pa ring bayan ang kulang sa mga propesyonal gaya ng physiatrist, physical therapist, at occupational therapist.


Pinalalala pa umano ito ng kakulangan sa imprastruktura at kapasidad ng mga lokal na pamahalaan.


Upang tugunan ito ayon sa proposed measure, sa pamamagitan ng CBPRM Program magkakaroon na ng fixed clinics, mobile outreach teams, at home-based care. Magbibigay din ito ng free physical assessments, therapy sessions, assistive devices at caregiver support.


Hindi tulad ng mga tradisyonal na hospital-centered models, nakatuon ang CBPRM sa pangangalagang nakaangkla sa antas ng barangay at sambayanan, kung saan aktibong makikilahok ang mga pamilya, frontliners, at community health networks sa pagtukoy at pagtulong sa mga pasyente.


Sa ilalim ng panukala, pangungunahan ng Ministry of Health ang implementation ng programa sa pakikipagtulungan ng Ministry of Social Services and Development, local government units, barangay health workers at civil society partners.


Sakaling maisabatas, itatatag sa BARMM ang first institutionalized framework para sa physical at rehabilitation medicine.


Inilarawan naman ng mambabatas ang hakbang hindi lamang bilang isang health measure, kundi commitment aniya sa equity at inclusion.


ree

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page