top of page

Relief Truck ng South Cotabato Provincial Government, nagpapatuloy sa Relief Operations sa mga sinalanta ng Bagyo sa Cebu

  • Diane Hora
  • Dec 3
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Matapos ideploy ng Provincial Government ng South Cotabato ang relief truck lulan ang mga donasyon para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Tino sa Cebu, ligtas itong dumating sa Bato Port sa Samboan, Cebu kahapon, December 2.


Tutungo ito sa City Disaster Risk Reduction Operations Center upang isagawa ang opisyal na pag-turnover ng mga relief goods.


Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo, Jr., ang pagpapadala ng relief goods sa Cebu ay pagpapakita ng patuloy na suporta ng probinsya sa mga komunidad na apektado ng bagyo.


Lulan ng donation cargo ang food at non-food items na makakatulong sa response operations sa Talisay City, Cebu.


Para sa emergency concerns, maaaring tumawag sa PDRRMO 24/7 Hotline: 0927-542-6430 (Globe) 0969-191-5810 (Smart).

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page