iMINDSPH
Top performing lawmaker si Representative Bai Dimple Mastura sa buong BARMM. Ito ay base sa isinagawang survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc na “Boses ng Bayan”
Nasa unang pwesto pa rin si Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura sa mga top performing lawmaker sa buong BARMM.
Ito ay base sa isinagawang pag-aaral at survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc na “Boses ng Bayan” kung saan nakakuha ito ng satisfaction rating na 88.7%, mas mataas ng 1.2% kumpara noong nakaraang tatlong buwan.
Ang Boses ng Bayan ay isang pag-aaral na isinagawa ng RPMD Foundation Inc., na ginamitan ng detalyadong research instrument na sumusukat ng iba’t-ibang aspeto tulad ng constituent satisfaction with district representation, legislative effectiveness, at kalidad ng serbisyong ipinatutupad ng isang mambabatas.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Global Affairs analyst at Executive Director ng RPMD, ang naturang pag-aaral ay mahalaga upang malaman ng mga mambabatas kung ang kanilang mga programa at proyekto ay may magandang naidudulot sa mga mamamayan.
Pinuri ni naman Dr. Martinez ang kongresista sa patuloy nitong pagpapamalas ng mataas na marka base sa kanyang magandang performance at track record. Ayon sa kanya, ang passing rate ng isang mambabatas sa Bangsamoro Region ay nasa 52% lamang, ngunit sa mataas na markang nakuha ng aktibong kongresista ay sumasalamin ng kanyang husay at galing bilang representante ng distrito sa kongreso.
Taus-puso namang nagpasalamat si Congw. Bai Dimple Mastura sa suporta at tiwalang ipinagkaloob nila sa kanya.
Comments