Rescue operation, isinagawa ng LGU Datu Anggal Midtimbang sa ilang residente ng Brar na lubog sa baha
- Diane Hora
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Lubog sa baha ang maraming bahay sa Brar, Datu Anggal Midtimbang kagabi.

Ito’y kasunod ng malakas na buhos ng ulan at pagragasa ng baha.

Agad nagsagawa ng rescue operation at inilikas ang mga residenteng apektado.

Nagtungo rin sa lugar ang Emergency Response Team ni Vice Governor Nathaniel Midtimbang katuwang ang MDRRMO DAM.

As of May 17, 2025-
Nasa 6,023 pamilya o 30,115 indibidwal ang apektado ng baha sa mga bayan ng Datu Abdullah Sangki, Shariff Aguak, at Datu Saudi Ampatuan.
Naitala rin ang pagkasira ng tulay sa Barangay Bagumbong, Mamasapano habang ekta-ektaryang taniman ng mais, palay, mani at assorted crops ang sinira ng baha sa bayan ng Datu Abdullah Sangki.
Ayon sa OCD BARMM, nagpapatuloy pa ang validation ng bilang ng mga pamilya at mga nasirang infrastructure at taniman.
Mahigpit din na nakikipag ugnayan ang OCD BARMM sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Maguindanao del Sur, gayundin sa Municipal DRRMOs ng mga apektadong bayan para i-monitor ang sitwasyon at suporta sa patuloy na emergency operations.
Comments