top of page

RESOLUSYON NA HUMIHILING SA KONGRESO AT SENADO NA PALAWIGIN PA MULA 2025-2028 ANG TRANSITION PERIOD SA BARMM, PINAGTIBGAY NG BTA PARLIAMENT

iMINDSPH



Pinagtibay ng BTA Parliament sa pagpapatuloy ng 3rd regular session ngayong araw ang resolution No. 641 na humihiling sa House of Representatives at sa Senado na palawigin pa ang Transition Period ng BARMM mula 2025 hanggang 2028 at ipagpaliban muna ang kauna-unahang parliamentary election sa BARMM upang mabigyan ng sapat na panahon na maresolba ang mga legal na usapin kaugnay sa parliamentary elections, masiguro ang malawak na partisipasyon ng political parties, at sapat na pang unawa ng Bangsamoro Electorate ng bagong parliamentary elections at mapantili ng Bangsamoro Government ang momentum ng socio-economic progress sa rehiyon.



Isinisulong ito ni Members of Parliament Baintan Ampatuan, Khalid Hadji Abdullah, Diamila Ramos, Sittie Fahanie Uy-Oyod, Laisa Alamia, Jose Lorena, Michael Midtimbang, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, Rasul Ismael, Bassir Utto, Kadil Sinolinding, Jr., Said Shiek, at Hatimil Hassan bilang principal authors ng resolusyon.



Co-authors naman sina MPs Abdulaziz Amenoden, Faizal Karon, Said Shiek, Hussein Muñoz, Mohammad Yacob, Haron Abas, Mohammad Kelie Antao, Don Mustapha Loong,

Susana Anayatin, Akmad Abas, Tarhata Maglangit, Dan Asnawie, Abdulkarim Misuari, at Denmartin Kahalan.


Samanala, pinagtibay rin ng BTA Parliament ang proposed resolution No. 22 o ang paghihikayat sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education na ikonsidera ang probisyon ng libreng hygiene kits, lalo na ng libreng sanitary napkins sa lahat ng public highschool comfort rooms sa BARMM.


Isinusulong din ito ni MP Baintan Ampatuan at co-authors sina MPs Amilbahar Mawallil, Laisa Alamia, Suharto Ambolodto, Rasol Mitmug, Jr., Don Mustapha Loong, Rasul Ismael, Ibrahim Ali, Haron Abas, Suwaib Oranon, Akmad Abas, Basit Abbas, Hatimil Hassan, Ali Salik, Kadil Sinolinding, Jr., Nurredha Misuari, Abdulkarim Misuari, Hussein Muñoz, Susana Anayatin, Ali Sangki, Mudjib Abu, Bassir Utto, at Jaafar Apollo Mikhail Matalam

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page