iMINDSPH
May sapat na dahilan ang pinagtibay na resolusyon ng BTA Parliament na humihiling sa Kamara at Senado na palawigin pa hanggang 2028 ang transition period sa BARMM. Ito ang sinabi ni Deputy Speaker Paisalin Tago.
Pinagtibay ng BTA Parliament sa pagpapatuloy ng 3rd regular session ang resolution No. 641 na humihiling sa House of Representatives at sa Senado na palawigin pa ang Transition Period sa BARMM mula 2025 hanggang 2028 at ipagpaliban muna ang kauna-unahang parliamentary election sa BARMM upang mabigyan ng sapat na panahon na maresolba ang mga legal na usapin kaugnay sa parliamentary elections, masiguro ang malawak na partisipasyon ng political parties, at sapat na pang unawa ng Bangsamoro Electorate ng bagong parliamentary elections.
Ayon kay Deputy Speaker Paisalin Tago, malaking isyu ang naging desisyon ng Supreme Court hinggil sa exclusion ng SULU sa BARMM lalo na sa usapin ng parliamentary districts.
Ayon sa mambabatas, malaki ang impact ng desisyon ng Korte Suprema at handa na sana ang BARMM para sa halalan sa susunod na taon.
Ang pinagtibay na resolusyon ay isinulong nina Members of Parliament Baintan Ampatuan, Khalid Hadji Abdullah, Diamila Ramos, Sittie Fahanie Uy-Oyod, Laisa Alamia, Jose Lorena, Michael Midtimbang, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, Rasul Ismael, Bassir Utto, Kadil Sinolinding, Jr., Said Shiek, at Hatimil Hassan bilang principal authors ng resolusyon.
Co-authors naman sina MPs Abdulaziz Amenoden, Faizal Karon, Said Shiek, Hussein Muñoz, Mohammad Yacob, Haron Abas, Mohammad Kelie Antao, Don Mustapha Loong, Susana Anayatin, Akmad Abas, Tarhata Maglangit, Dan Asnawie, Abdulkarim Misuari, at Denmartin Kahalan.
Comments