top of page

Resolusyon, pinagtibay ng BTA Parliament, na humihimok sa Bangsamoro Attorney General’s Office (BAGO) na agarang igiit ang pagresolba ng mga nakabinbing kaso sa Korte Suprema na maaaring makaapekto

  • Diane Hora
  • Dec 16
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinagtibay ng Bangsamoro Parliament ang isang resolusyon na humihimok sa Bangsamoro Attorney General’s Office (BAGO) na agarang igiit ang pagresolba ng mga nakabinbing kaso sa Korte Suprema na maaaring makaapekto sa pagsasagawa ng kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections na nakatakda sa Marso 30, 2026.


Ayon sa mga mambabatas, napakahalaga ng maagap na desisyon ng Korte Suprema, lalo na matapos ideklarang labag sa Konstitusyon ang mga naunang batas sa districting. Anila, ang malinaw at napapanahong desisyon ay magsisilbing gabay sa Kongreso, Commission on Elections (Comelec), at sa Pamahalaang Bangsamoro upang matiyak na ang halalan ay maisasagawa nang kapanipaniwala, maayos, at walang sagabal na legal.


Binibigyang-diin ng resolusyon na ang katiyakan sa legal na balangkas ng mga distrito at proseso ng halalan ay mahalaga upang mapanatili ang integridad ng demokratikong proseso at mapalakas ang tiwala ng publiko sa kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page