top of page

Resolusyon, pinagtibay ng Committee on Public Order and Safety para tugunan ang security concerns ng Indigenous People sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur

iMINDSPH


Nanawagan ang Committee on Public Order and Safety ng BTA Parliament sa pamunuan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na maglagay ng military detachment sa Sitio Kukor, Barangay Mantao, sa pamamagitan ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH.



Ito’y kasunod ng isang resolusyon na pinagtibay ng komite para tugunan ang security concerns ng Indigenous People sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.



Ang panukalang paglalagay ng detachment ay inilatag sa pulong matapos ang inter-agency dialogue sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan.



Ayon sa komite, ang detachment ay magta-transition sa isang Joint Peace and Security Team (JPST) upang matiyak ang long-term security para sa indigenous communities sa lugar.



Ang pag apruba sa resolusyon na isinulong ni MP Froilyn Mendoza ay kasunod ng mga insidenteng pagpatay sa mga indigenous leaders at community members sa bayan noong December 2024.



Kinumpirma naman ni Public Order and Safety Committee Chair MP Mohammad Kellie Antao na inihahanda na ng komite ang report para isumite sa plenary.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page