top of page

Retiradong sundalo at 2 pang indibidwal, arestado ng awtoridad sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa South Cotabato

  • Teddy Borja
  • 5 hours ago
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Ikinasa ang operasyon, araw ng Martes, November 5.


Bandang alas-7:48 ng umaga sa Barangay Poblacion, T’boli, South Cotabato, matagumpay na naisagawa ng pinagsamang puwersa ng SCPPDEU, T’boli MPS, MDEU, 2nd SCPMFC, at SCPIU sa pakikipag-ugnayan sa PDEA 12 ang isang Search Warrant na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “Kulot,” 36 taong gulang.


Nasamsam mula sa kanya ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang ₱102,000.00, mga buhay na bala, at iba’t ibang drug paraphernalia.


Dakong alas-4:58 ng hapon, nagsagawa naman ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Tupi MPS sa pakikipag-ugnayan din sa PDEA 12 sa Barangay Poblacion, Tupi. Naaresto sa operasyon ang suspek na si alyas “Jeloy,” 25 taong gulang.


Nasamsam mula sa kanya ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 1.0 gramo na nagkakahalaga ng ₱6,800.00, kasama ang marked money at iba pang ebidensyang hindi droga.


Makalipas lamang ang ilang minuto, bandang alas-5:08 ng hapon, isang panibagong buy-bust operation ang matagumpay na isinagawa ng Polomolok MPS (lead unit) katuwang ang SCPDEU at SCPIU sa Barangay Pagalungan, Polomolok.


Naaresto ang suspek na si alyas “Allan,” 55 taong gulang, isang retiradong miyembro ng AFP.


Nasamsam sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 5.1 gramo at tinatayang halagang ₱34,000.00, kasama ang buy-bust money at isang itim at kahel na pouch.


Ang lahat ng mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa custody ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila para sa paglabag sa Sections 5, 11, at 12, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).


Ayon kay PCOL Cadungon, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng determinasyon ng South Cotabato Police na tapusin ang operasyon ng mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot at protektahan ang kapayapaan at kaayusan ng lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page