top of page

Salary increase para sa mga job order workers ng South Cotabato Provincial Government, inihahanda na

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Good news para sa mga job order workers ng South Cotabato Provincial Government dahil inihahanda na ang umento sa kanilang sahod.


Ayon kay Provincial Human Resource Management Officer Fredaliza Gazo, kinukunsidera ang job order workers bilang bahagi ng private sector para sa wage classification, kaya nararapat lamang na nakaayon sa updated minimum wage ang sahod na ibinibigay ng provincial government.


Dagdag ng opisyal, base sa inisyal na mga pag-uusap, tinitingnan ang pagbibigay ng ₱50 hanggang ₱60 kada araw na increase, katulad ng ₱50 daily adjustment na inaprubahan noong nakaraang taon.


Ang panukalang umento ay nakasalalay pa sa approval ni Governor Tamayo at ng Sangguniang Panlalawigan.


Pero, aniya, maaantala ang effectivity date ng increase dahil ang bagong wage order ay na-release matapos maisumite ng probinsya ang 2026 Budget Proposal nito.


Ang adjustment sa sahod ay maisasama sa supplemental budget.


Sa kabila nito, tiniyak ng Provincial Government ang pantay na pasahod para sa job order workers, kung saan ito ay nakaayon sa minimum wage standards.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page