top of page

Sampung dating miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiya, sumuko sa pamunuan ng 6th Mechanized Battalion, bitbit ang 15 iba’t ibang uri ng armas

  • Diane Hora
  • Dec 1
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Pormal nang nagbalik-loob sa gobyerno ang siyam na dating miyembro ng BIFF at isang Dawlah Islamiyah.


Sumuko ang mga ito ngayong araw, December 1, sa pamunuan ng 6th Mechanized Infantry Battalion, Armor Division ng Philippine Army, Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, na pinamumunuan ni Lt. Col. Florencio Taguba Jr.


Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang labinlimang matataas na kalibre ng armas.


Kabilang sa mga isinuko ay dalawang (2) mortar, isang (1) RPG, isang (1) explosive, at anim (6) na small-arm weapons.


Ito ay bahagi ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program ng AFP.


Ang seremonya ay pinangunahan ni Col. Rommel Pagayon, Acting Commander ng 1st Brigade Combat Team.


Kasama sa mga tumanggap sa mga sumuko at ng kanilang armas si Provincial Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura, bilang kinatawan ni Governor Datu Tucao Mastura.


Sinaksihan ang pagbabalik-loob ng mga ito ng municipal mayor ng Shariff Saydona Mustapha, Shariff Aguak, Datu Salibo, Datu Unsay, at Raja Buayan, na nagbigay ng kanilang mensahe ng suporta at nagpaabot ng agarang tulong sa mga FVEs.


Dumalo rin ang kinatawan mula sa Ministry of the Interior and Local Government (MILG) na nagbigay ng mensahe, nagpaabot ng tulong, at nagsagawa ng profiling sa mga sumukong indibidwal.


Nakiisa rin si PCOL Victor Rito, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, at nagbigay ng kanyang mensahe ng suporta.


Sa kanyang inspirational message, pinuri ni Col. Pagayon ang mga dating mandirigma sa pagpili ng landas ng kapayapaan at hinikayat silang yakapin ang mga oportunidad para sa kabuhayan at pag-unlad, kasabay ng pagtiyak na buong suporta ang ibibigay ng pamahalaan sa kanilang reintegration journey.


Nanatiling matatag ang 6th Mechanized Infantry Battalion sa layunin nitong isulong ang kapayapaan, pagtutulungan, at pag-angat ng mga komunidad na apektado ng hidwaan—bilang patunay na ang tunay at pangmatagalang kapayapaan ay makakamtan lamang sa pagkakaisa, pag-unawa, at malasakit.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page