top of page

School-based feeding program ng MBHTE, tinalakay sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee

  • Diane Hora
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Bangsamoro Parliament, hinimay ng komite ang implementasyon ng school-based feeding program ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE), bilang bahagi ng pagsisikap nitong palakasin ang transparency at kahusayan sa mga operasyon ng pamahalaan.


Humarap sa naturang sesyon ang mga supplier ng nasabing programa na nagbibigay ng iron-fortified rice, gatas, cereals, beans, at iba pang mahahalagang pagkain upang labanan ang malnutrisyon at mapabuti ang kalusugan ng mga mag-aaral sa rehiyon.


Tinalakay rin sa pagdinig ang pagbuo ng isang mekanismo na magpapadali sa proseso ng pagbabayad at magpapahusay sa koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan ng pamahalaan at ng mga supplier.


Ayon kay Committee Chair Rasol Mitmug Jr., magpapatuloy umano ang pagdinig sa Miyerkules upang ipagpatuloy ang deliberasyon kasama ang ibang supplier.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page