top of page

Schools Division ng Maguindanao del Sur, tumanggap ng 900 MBHTE-designed armchairs

  • Diane Hora
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang bahagi ng adbokasiya na walang batang mag-aaral sa BARMM na mapag-iiwanan, patuloy na pinalalakas ng MBHTE ang suporta sa mga paaralan.


Patuloy ang pamamahagi ng ministry ng mga upuan.


Siyam na raan (900) armchairs ang hatid ng MBHTE BARMM sa Schools Division Office ng Maguindanao del Sur.


Kabilang sa mga paaralan na tumanggap ng upuan ang Manindolo National High School, Bulod National High School, Mangudadatu National High School, Katong Madidis National High School, Datu Abdula M. Camino Memorial National High School, at Talayan National High School.


Inaasahan na mas magkakaroon ng maayos na learning environment at komportableng pag-aaral ang mga mag-aaral sa tulong ng sapat na kagamitan sa eskwela.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page