iMINDSPH
Pinasinungalingan ni UBJP Secretary General, Maguidanao del Norte Governor Abdulraof Macacua ang alegasyon na siya ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang takbo ng politika sa Maguindanao at sinasabing kagustuhan lamang ng Malacañang ang kanyang sinusunod.
Ayon sa opisyal, ang hakbang ng pagkakaisa at pagkakasundo ay masusing pinag-aralan.
Ipinaabot din nito ang kanyang pag endorso sa kandidatura ni Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura at Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang sa gubernatorial race sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Sa kanyang official statement bilang UBJP Secretary General, nagpapasalamat si Maguidanao del Norte Governor Abdulraof Macacua sa pagkakasundo at pagkakaisa matapos ang ginanap na pulong sa Davao City.
Aniya nagresulta ito ng maganda sa kasaysayan ng politika sa lalawigan ng Maguindanao.
Pero ayon kay Macacua, ang hakbang na ito ay masusi aniya nilang pinag-aralan ni Chief Minister Ahod Ebrahim, kasama ang mga opisyal at ilang personalidad na pinagkakatiwalaan ng Malacañang kabilang dito sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Partido Federal ng Pilipinas President at kasalukuyang gobernador ng South Cotabato Reynaldo Tamayo Jr., MINDA Secretary Leo Tereso Magno, Secretary Nasser Pangandaman at OPAPRU Assistant Secretary Jordan Bayam.
Pinasinungalingan ng opisyal ang alegasyon na siya ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang takbo ng politika sa Maguindanao at sinasabing kagustuhan lamang ng Malacañang ang kanyang sinusunod.
Aniya, kasama sa proseso ng hakbang ng pagkakaisa at pagkakasundo sina Datu Tucao Mastura at Datu Ali Midtimbang.
Nararapat lamang aniya na magpasalamat sa Malacañang at kay Chief Minister Ebrahim sa pagsisikap na ito.
Nagpapasalamat ito sa mga Ulama, CSOs at iba pang sektor sa tiwala ng mga ito sa kanya sa paghahangad na kumandidato itong muli.
Ipinaabot din nito ang kanyang pag endorso sa kandidatura ni Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura at Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang sa gubernatorial race sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Comments