iMINDSPH
Magpapatupad ng rerouting mula Governor Gutierrez Avenue papasok ng Bangsamoro Government Center sa mga itinakdang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy, ayon kay Maguindanao del Norte Provincial Election Supervisor, Atty. Mohammad Nabil Mutia.
Maghihigpit din ng seguridad ang otoridad sa loob at labas ng BGC center.
Ayon sa PES ng Maguindanao del Norte, sa kanilang tanggapan maghahain ng COC ang mga provincial candidates ng lalawigan.
Comments