top of page

SEGURIDAD SA PAGHAHAIN SA LOOB AT LABAS NG BANGSAMORO GOVERNMENT CENTER SA PAGHAHAIN NG COC SA SUSUNOD NA LINGGO, PLANTSADO NA!

iMINDSPH



Plantsado na ang seguridad na ipatutupad ng Cotabato City Police Office at Philippine Marines sa loob at labas ng Bangsamoro Government Center sa susunod na linggo para sa paghahain ng Certificate of Candidacy.


Mula alas-otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon ilalaan ang Governor Gutierrez Avenue para sa mga kandidato na maghahain ng Certificate of Candidacy para sa Cotabato City at Maguindanao del Norte mula October 1 hanggang October 8.


Maari itong magbago depende sa sitwasyon.


Nakatuka sa Philippine Marines at Cotabato City PNP ang pagpapatupad ng seguridad sa loob at labas ng Bangsamoro Goverment Center mula October 1 haggang October 8, 2024.


Ito ang mga petsa na itinakda ng COMELEC para sa paghahain ng Certificate of Candidacy.


Sa mga kakandidato mula sa Cotabato City at Maguindanao del Norte sa tanggapan ng COMELEC office sa loob ng BGC maghahain ang mga ito ng COC.


May patakaran na ipatutupad ang COMELEC at otoridad upang magiging maayos ang filing.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page