top of page

Sen. Chiz Escudero, nanatiling Senate President matapos ihalal sa pagbubukas ng 20th Congress; Leyte Rep. Martin Romualdez, nanatili rin bilang House Speaker

  • Diane Hora
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pagbubukas ng first regular session ng 20th Congress ngayong araw ng Lunes, July 28-


Nanatili bilang Senate President si Senator Chiz Escudero. Senator Pro Tempore naman si Sen. Jinggoy Estrada at Majority Leader at chairperson ng Committee on Rules si Senator Joel Villanueva.


Labingsiyam mula sa dalawampu’t apat na mambabatas kabilang na si

Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Bam Aquino, ang bomoto kay Escudero bilang Senate president, habang ang natitirang lima ang bumoto kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III.


Bumoto rin si Sotto kay Escudero habang ibinoto din ni Escudero si Sotto.


Ang apat na Senador na bumoto pabor kay Sotto ay kinabibilangan ni

Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Panfilo Lacson, at Risa Hontiveros.


Unang umupo si Escudero sa Senate Presidency noong May 2024 kasunod ng pagbibitiw ni Senator Migs Zubiri.


Samantala, sa mababang kapulungan ng Kongreso, nanatili rin bilang House Speaker si Leyte Rep. House Speaker Martin Romualdez sa 20th Congress matapos walang humanon sa nominasyon ng mambabatas.


May ilang mambabatas din ang nag abstain kabilang na dito si Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Percival Cendaña.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page