top of page

Senator Panfilo Lacson, hinikayat ang publiko na suriin ang 2026 national budget sa Senate Website.

  • Diane Hora
  • Dec 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang publiko na tingnan at silipin ang ginawang pagbuo ng 2026 National Budget sa transparency website ng Senado. Ito ang ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Ayon kay Lacson, makikita sa Senate website ang mga repormang ipinatupad ng Senado sa proseso ng budget, kabilang ang pagli-livestream ng mga pagdinig mula sa antas ng komite hanggang sa plenary deliberations, ayon pa sa report.


Makikita rin aniya rito ang mga individual amendments ng bawat senador.


Naglalaman ang website ng Senado na senate.gov.ph ng mga livestream video ng deliberations, habang sa budget portal budget-transparency-portal.senate.gov.ph ay makikita ang dagdag na detalye gaya ng mga dokumento at transcript ng mga pagdinig, dagdag pa sa report.


Giit ni Lacson, handang panatilihin ng Senado ang transparency na ito sa bicameral conference committee.


Sinabi rin ng senador sa report na ang ganitong transparency ay magtutulak ng pananagutan sa mga nagmumungkahi ng amendments, dahil ang mga item na lalabas na substandard o ghost ay madaling matutunton kung kanino nanggaling.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page