top of page

Senior Citizen, binigyan ng wheelchair ng OCM at MOH sa pamamagitan ng opisina ni MP Naguib Sinarimbo

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Noong nakaraang linggo, nakatanggap ng request ang opisina ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo mula sa isang senior citizen sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, na humihiling ng wheelchair.


Agad na nakipag-ugnayan ang tanggapan sa Project TABANG at Ministry of Health upang matugunan ang request ng senior citizen, na kinilalang si Bainkong Matigas.


Limang taon na umanong hindi makalakad si Bainkong dahil sa hindi matukoy na komplikasyon.


Kahapon, matagumpay na naihatid ng opisina ni MP Sinarimbo ang wheelchair upang magamit na nito.


Hangad ng opisina ni MP Sinarimbo na makatulong ito upang mas mapadali sa pamilya ang pag-aalaga sa kanya.


Nagpasalamat naman si MP Sinarimbo sa Office of the Chief Minister at sa Ministry of Health sa agarang pagsuporta sa mga inisyatiba na nakakatulong sa komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page