High Value Individual na sangkot umano sa illegal drug trade, arestado sa Davao City; PHP 340,000.00 suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa operasyon
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ng Davao Fixed Checkpoint sa Brgy. Licanan, Lasang, Davao City, ang mga operatiba ng Police Station 6 - Bunawan, ngayong araw ng Huwebes, MAY 29 sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ Ian James S. Acal, Station Commander, sa koordinasyon ng 1st Davao City Mobile Force Company at Task Force Davao.
Matagumpay na nahuli ang isang High-Value Individual na sangkot sa illegal drug trade. Ang operasyon ay humantong sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na PHP 340,000.00.
Ang matagumpay na operasyon ay dahil sa walang humpay na kampanya laban sa iligal na droga ng DCPO.
Comments