SINUSPENDI ANG PRINTING NG BALOTA
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang suspensyon ng pag-iimprenta ng mga opisyal na balota para sa nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Oktubre 13, 2025.
Batay sa advisory ng COMELEC, ipinagpaliban ang nakatakdang printing ng Official Ballots na sana’y gaganapin ngayong araw, Agosto 21, 2025, sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa National Printing Office, EDSA corner NIA Road, Diliman, Quezon City.
Ang pagpapaliban ay bunsod ng bagong panukalang batas na inaprubahan ng Bangsamoro Parliament na may direktang epekto sa disenyo at laman ng balota.
Ito’y upang bigyan rin umano ng sapat na panahon ang Komisyon na pag-aralan ang nilalaman ng approved legislation.
Mananatiling suspendido ang printing ng balota hanggang sa susunod na abiso mula sa COMELEC.



Comments