Siyam na matataas na kalibre ng armas ang isinuko ng dalawang kumander ng BIAF-MILF matapos lumabag sa nilagdaang kasunduan ng tigil-putukan
- Diane Hora
- Dec 16
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang kaparusahan sa paglabag sa nilagdaang kasunduan na tigil putukan, siyam na matataas na kalibre ng armas ang isinuko ng grupo ni Maki Dumpao at ng grupo ni Datu Baks “Sangki” Kindo at Tuwabak.
Si Dumpao ang Battalion Commander at si Kindo naman ang Deputy Brigade Commander ng 118th Base Command ng BIAF-MILF na muling nagkasagupa sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, a-10 ng Disyembre.
Kabilang sa mga isinukong armas ang dalawang (2) Cal .50 Barrett rifles, mga M14 rifles, M16A1 rifles, Bushmaster rifles, at isang improvised Cal .30 BAR, kasama ang iba pang kagamitang pandigma.
Ipinresenta ang mga ito kay 601st Brigade Commander BGen. Edgar Catu sa Headquarters ng 90IB sa Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, ngayong araw, December 15.
Binigyang-diin ni Brigadier General Catu na seryoso ang militar sa isinususulong na pagkakasundo.
Samantala, pinuri ni MGen. Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6ID at JTFC, ang kasundaluhan ng 601st Brigade, 33IB, at 90IB sa matagumpay nilang aksyon upang mapanatili ang kapayapaan.
Pinasalamatan din ng heneral ang dalawang grupo sa pagpapakita ng pagkakaisa, na malinaw na patunay na mas mahalaga ang kapayapaan kaysa karahasan.



Comments