South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, muling itinalaga ng Malacañang bilang chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) 12 para sa taong 2025-2028
- Diane Hora
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nananatiling Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) Region 12 para sa taong 2025–2028 si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.,
matapos siyang muling italaga ng Malacañang.
Patunay umano ito ng pagkilala sa kanyang epektibong pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN,
gayundin sa kanyang pangunguna sa pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, pulisya, militar, at iba’t ibang sektor.
Kasama ni Governor Tamayo sa RPOC 12 sina PBGen. Arnold Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office 12, na itinalaga bilang Vice Chairperson, at MGen. Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division, Philippine Army, na hinirang naman bilang Co-Vice Chairperson.
Unang hinirang si Governor Tamayo bilang RPOC Chairperson noong 2022, at mula noon ay pinangunahan niya ang mga programa para sa kapayapaan at kaunlaran, partikular na ang mga inisyatibong nakaayon sa pambansang layunin na tapusin ang lokal na armadong tunggalian at palakasin ang seguridad sa mga komunidad.
Sa kanyang pahayag na ibinahagi sa kanyang Facebook page, ipinaabot ni Governor Tamayo ang kanyang pasasalamat sa pamahalaan sa muling ipinagkatiwalang tungkulin.
Ang RPOC ang pangunahing mekanismo ng pamahalaan sa rehiyon para sa koordinasyon at pagtutulungan ukol sa mga isyung pangkapayapaan at pangkaayusan, na layuning mapagtibay ang pagkakaisa at mapabilis ang pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno at mga stakeholder sa mga usaping pangseguridad at pangkaunlaran.
Sa bagong termino ng pamunuan nina Governor Tamayo, PBGen. Ardiente, at MGen. Gumiran, inaasahang mas higit pang mapagtitibay ang kapayapaan, katatagan, at pag-unlad ng buong rehiyon.



Comments