top of page

South Cotabato, itinampok ang holistic wellness ng mga kalalakihan sa pagdiriwang ng International Men's Day

  • Diane Hora
  • Nov 26
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ng Office of the Provincial Population Officer sa ginanap na Monday Convocation ang pakikiisa sa paggunita ng International Men’s Day kung saan isinusulong ang holistic wellness para sa mga kalalakihan.

Sa mensahe ni Provincial Population Officer Melanie Chiva, binigyang-diin niya ang paninindigan ng provincial government na palakasin ang isang komunidad na mas makakaunawa at mas susuporta sa kalusugan ng mga kalalakihan sa buong probinsya.

Ayon kay Chiva, ang tema ngayong taon ay panawagan para sa equal visibility at mas konkretong aksyon para sa men’s health at nagbubukas ito ng mas malawak na pag-unawa sa kahulugan ng wellness.

Samantala, sinabi naman ni Population Program Officer I Sam Cyrus Bayog na hindi dapat limitado sa pisikal na lakas ang pagtingin sa kalusugan ng kalalakihan.

Kabilang dito ang emosyonal, psychological at social wellness, lalo’t marami pa ring lalaki ang nag-aatubiling lumapit o humingi ng tulong dahil sa societal expectations at stereotypes.

Upang mailapit ang adbokasiya sa mga kawani, naghandog ang OPPO ng libreng haircut, manicure at pedicure para sa provincial government employees.

Limang lalaki na nanalo sa online trivia ang nakatanggap ng wellness perks.

Ibinahagi naman ng isang empleyado ang makabuluhang karanasan ng pagsilang ng kanilang unang anak na lalong nagpatibay ng kanyang pananagutang pampamilya at malasakit bilang magulang.

Patuloy ang provincial government sa pagtutok sa pantay na karapatan at kapakanan ng bawat isa sa probinsya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page