South Cotabato Provincial Government at Philippine Army, pinapaplanuhan ang pagtatatag ng training center para sa mga reservist sa lalawigan
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato si Ronald Jess Alcudia, Commander ng Reserve Command, Philippine Army. Nagpulong ang opisyal at si Governor Reynaldo Tamayo Jr. bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng sandatahang lakas.
Tinalakay sa pulong ang posibleng kooperasyon sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Reserve Command, sa panukalang pagtatatag ng training center para sa mga reservist sa South Cotabato. Ayon sa mga opisyal, itinuturing ang inisyatibong ito bilang estratehikong hakbang upang higit na mapalakas ang kahandaan, kakayahan, at community resilience ng lalawigan.
Binigyang-diin na ang pagkakaroon ng lokal na training center ay makatutulong hindi lamang sa paghahanda ng mga reservist sa panahon ng sakuna at emerhensiya, kundi pati na rin sa pagpapalalim ng ugnayan ng militar at sibilyang komunidad sa mga programang pangkapayapaan at kaunlaran.
Ipinahayag naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa Philippine Army bilang bahagi ng layuning makabuo ng mas maunlad, mas handa, at makabayang komunidad sa South Cotabato.



Comments