top of page

South Cotabato Provincial Government, tinipon ang mga CSO Scholars ng CSO Academy

  • Diane Hora
  • Dec 10
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Tinipon ng Provincial Government ng South Cotabato ang una at ikalawang batch ng Civil Society Organization Academy Scholars upang suriin kung paano nakaapekto at nakatulong ang programa sa kanilang trabaho sa gobyerno. Sa patuloy na pagpapatatag ng Civil Society Organizations bilang katuwang sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at lokal na pamahalaan sa probinsya, tinipon ng Provincial Government ng South Cotabato ang unang dalawang batch ng CSO Academy Scholars.


Nagsagawa ng Focus Group Discussion o FGD upang tukuyin kung paano nakaapekto ang programa sa kanilang trabaho sa gobyerno at kung paano ito nakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa participatory governance.


Tinalakay din sa FGD ang pagiging epektibo ng training modules at mga pamamaraan ng pagtuturo ng CSO Academy Program — kung alin sa mga ito ang dapat palakasin at alin ang maaaring baguhin para mas umayon sa pangangailangan ng mga CSO.


Ang South Cotabato ang nagsisilbing pilot province ng programa, na nagbibigay ng structured learning, mentorship, at partnerships kasama ang mga eksperto mula sa pamahalaan at pribadong sektor.


Layunin nitong palakasin ang transparency, public participation, at accountability sa mga lokal na pamahalaan.


Ayon sa CSO Academy, ang mga natutunan ng batch 1 at 2 ay ibabahagi na rin sa mga susunod na scholars ng CSO Academy batch 3 upang mapalawak ang epekto ng programa.


Inaasahan na ang mga pag-uusap at input mula sa FGD ay magiging mahalagang batayan para sa mas epektibong pagpapatupad ng programa at mas matatag na civil society participation sa lalawigan.


Sa kasalukuyan, umabot na sa apatnapu’t isa ang CSO Academy Scholars ng probinsya.


Ilan sa kanila ay aktibo sa local governance, partikular sa Local Special Bodies at Local People’s Councils sa municipal at provincial level, habang ang iba naman ay nakapagpatupad ng makabuluhang reporma para sa organizational systems at long-term sustainability ng kani-kanilang CSOs.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page