top of page

South Cotabato Provincial Hospital, hihigpitan pa ang ipatutupad na seguridad sa pagamutan matapos ang insidente ng pagtangay ng isang sanggol

  • Diane Hora
  • Nov 25
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinaiigting ng South Cotabato Provincial Hospital ang seguridad sa loob ng pagamutan matapos ang insidente ng pagtangay sa isang sanggol sa loob ng ospital.


Sa joint statement na inilabas ng pamunuan ng pagamutan, palalakasin pa umano ang patient safety at matiyak ang tiwala ng publiko sa umiiral na protocol ng ospital.


Inoobliga ang lahat ng kawani ng SCPH na magsuot ng ARTA ID sa lahat ng oras.


Hinihimok din ang mga pasyente at watcher na laging i-verify ang pagkakakilanlan ng sinumang lalapit sa kanila upang matiyak na lehitimong personnel ng ospital ang kanilang kausap.


Muling ipinaalala ng SCPH ang one-watcher-per-patient policy at hiniling ang pang-unawa ng publiko dahil ang mga patakarang ito ay ginawa para sa kaligtasan ng lahat sa loob ng pasilidad.


Ayon sa ospital, kasama dapat ng mga magulang ang kanilang sanggol sa panahon ng newborn screening, hearing tests at iba pang procedure bilang dagdag na proteksyon para sa bawat bata.


Sa pinakahuling impormasyon, ayon sa pagamutan, natagpuan na ang sanggol at kasalukuyang ligtas na binibigyan ng lunas sa Dr. Arturo P. Pinggoy Medical Center habang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na positibong nakilala ng ama ng bata.


Kapiling na ng sanggol ang kanyang mga magulang at taos-pusong nagpapasalamat ang Provincial Government ng South Cotabato sa mabilis na pagkilos, malasakit, at pagkakaisa ng lahat, lalo na sa mga otoridad.


ree

ree

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page