top of page

Special Program Performance Commitment and Review Validation o SPPCR, isinagawa ng OCM-TMS sa AMBaG Program Management Office para masiguro ang tapat, maayos at epektibong pagpapatupad ng programa

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang masiguro ang maayos, tapat, at epektibong pagpapatupad ng programa, isinagawa ang Special Program Performance Commitment and Review o SPPCR Validation ng Office of the Chief Minister – Technical Management Service o OCM–TMS sa AMBaG Program Management Office.


Isinagawa ito a-25 ng July 2025.


Layunin ng validation ang pagsusuri sa pagsunod ng AMBaG sa mga proseso, naitalang accomplishments, at mga dokumentong patunay ng serbisyo.


Hakbang ito ayon sa AMBaG upang tiyakin na ang tulong-medikal ay naihahatid nang may integridad para sa mga Bangsamorong nangangailangan.


Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng AMBaG sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua upang mas mapabuti pa ang programa at matiyak na bawat tulong ay may kaakibat na Kalinga at Serbisyo para sa Bangsamoro.


Kalinga at Serbisyo, Ito ang AMBaG sa Bangsamoro.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page