Subcommittee A ng CFBM, ipinagpapatuloy ang budget deliberations para sa 2026 budget ng mga attached offices ng OCM
- Diane Hora
- Nov 19
- 1 min read
iMINDSPH

Nakatuon ngayon ang deliberasyon ng Subcommittee A ng Committee on Finance, Budget, and Management ng Bangsamoro Transition Authority Parliament sa mga attached offices ng Office of the Chief Minister.
Pinangunahan ang pagdinig ni Chair MP Kitem Kadatuan Jr., kung saan lima sa mga attached offices ng OCM ang humarap sa panel noong November 18 upang depensahan ang kanilang proposed budgets para sa 2026.
Kabilang dito ang Office for Settler Communities, Bangsamoro Information Office, Bangsamoro Darul-Ifta’, Bangsamoro Board of Investments, at Bangsamoro Information and Communications Technology Office.
Hinihiling ng OSC ang ₱46.5 million para sa pagpapatuloy ng operasyon at mga programa para sa settler communities.
Ang BIO naman ay humihiling ng ₱72.2 million na budget para sa mas malawak at mas mapalakas pa ang visibility, engagement, at media linkages ng Bangsamoro Government.
Ang BDI, na may ₱256.7 million na proposed budget, ay para pondohan ang paglalabas at publication ng religious edicts at iba pang tungkulin ng regional religious advisory body.
Ang ₱46.9 million proposed budget ng BOI naman ay upang mapahusay pa ang investment generation sa rehiyon at makaakit ng mas maraming negosyo.
Habang ang BICTO, na may ₱54 million proposed budget, ay para sa ICT harmonization at pagpapaunlad ng digital governance initiatives sa BARMM.



Comments