top of page

Subcommittee A ng Committee on Finance, Budget, and Management, tinalakay ang P55M Proposed 2026 Budgetng Office of the Wali

  • Diane Hora
  • Nov 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumalang na sa budget hearing ng Sub-Committee A ng Committee on Finance, Budget, and Management ang proposed ₱55 million budget para sa 2026 ng Office of the Wali.


Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng Wali ang pamunuan ang oath-taking, pagbubukas ng sesyon ng Parliament, at pagre-representa ng pamahalaan sa mga pormal na okasyon.


Sa pamumuno ni Chairperson Member of Parliament Atty. Kitem Kadatuan, masusing sinusuri ng mga mambabatas ang bawat budget item, kabilang ang personnel services, operational expenses, at mga gastusin para sa mga ceremonial activities ng tanggapan.


Binigyang-diin ng mga mambabatas na kailangan ang sapat na pondo upang maipagpatuloy ng Wali ang kanilang mga tungkulin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page