Subcommittee C ng Finance, Budget, and Management Committee ng BTA, tinalakay ang P160M Proposed Budget ng Bangsamoro Human Rights Commission
- Diane Hora
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ni Chairperson Member of Parliament Jose Lorena, sinuri ng Committee on Finance, Budget, and Management Subcommittee C ang ₱160 milyong proposed budget request ng Bangsamoro Human Rights Commission.
Iniulat ng komisyon na nakapagbigay sila ng legal assistance sa 2,800 indibidwal ngayong taon at nakapagtala ng 234 resolved cases mula sa kanilang human rights investigations.
Bahagi ng pagdinig sa budget ng BHRC ang pag-evaluate sa performance ng komisyon sa paghawak ng human rights cases at pagpapatupad ng mga pangunahing programa sa rehiyon.
Ang proposed budget ay nakatuon sa pagpapalakas ng mga programa ng BHRC para sa human rights protection, promotion, at policy development.
Kasama rin dito ang pagpapatibay ng Gender and Development programs, Children Ombud initiatives, at ang pagpapatuloy ng Human Rights Action Center.
Binigyang-diin ng mga mambabatas ang mahalagang papel ng BHRC sa pagtitiyak ng karapatang pantao at kapayapaan sa rehiyon.
Giit nila, kailangan ang sapat na pondo upang mapalakas pa ang operasyon ng komisyon at mapahusay ang access to justice para sa mga vulnerable communities.
Ayon sa BHRC, ipagpapatuloy nila ang pagpapalawak ng kanilang mga imbestigasyon, education programs, at pagbibigay ng public assistance sa loob at maging sa labas ng BARMM.



Comments