Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura at Maguindanao del Norte with Cotabato City Cong. Bai Dimple Mastura, nagpaabot ng suporta sa mga programa tungo sa pagpapalakas sa sektor ng mga kababaihan
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Sanib-pwersa sina Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura at kanyang maybahay, si Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, sa General Assembly ng Social Welfare Committee na may temang “Musabaka Ummahat.”
Ipinahayag ng dalawang lider ang kanilang matatag na pagtutulungan upang suportahan ang mga programa at aktibidad na nakatuon sa kapakanan, pag-unlad, at pagpapalakas ng mga kababaihan.
Ang kanilang presensya ay patunay ng patuloy na pangangalaga at pagbibigay-halaga sa mga kababaihang naglilingkod at nagsisilbing haligi ng kani-kanilang komunidad.



Comments