Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura, pinulong ang 39 na barangay kapitan para sa DSM Cares Emergency Quick Response Program
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning pagtibayin pa ang seguridad at ang mahalagang papel ng mga barangay kapitan bilang frontliners ng DSM Cares Emergency Quick Response Program, ipinatawag ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang tatlumpu’t siyam na mga barangay kapitan ng bayan.
Taos-pusong pinasalamatan ng alkalde ang mga kapitan at barangay tanod para sa kanilang 24-oras na pagbabantay sa komunidad at sa walang sawang paglilingkod
para sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Ipinahayag din ng alkalde na magsisimula na ang serye ng training sa mga susunod na buwan, kabilang ang pamamahagi ng kinakailangang kagamitan upang higit pang mapaigting ang bilis, kahandaan, at tibay ng serbisyo sa bawat barangay.



Comments