Sultan Mastura, kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) BARMM bilang isa sa pinakamahusay na LGU sa buong rehiyon sa larangan ng revenue collection at records management.
- Diane Hora
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura ang Plaque of Recognition for Excellence sa Collection Efficiency matapos makamit ang Rank 2 sa buong rehiyon.
Nagtala ang bayan ng 189.37% collection efficiency, na may locally sourced revenue na ₱1,327,423.69 laban sa taunang target na ₱700,954.00 para sa FY 2024.
Tumanggap din ng parangal ang Office of the Municipal Assessor ng Sultan Mastura para sa Outstanding Records Management Practices.
Pasok din ang lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura sa hanay ng mga nangungunang tagapag-ulat sa BARMM matapos makamit ang Rank 3 para sa Outstanding Performance in BLGF Reporting, dahil sa maagap, wasto, at kumpletong pagsusumite ng Quarterly Report on Real Property Assessment (QRRPA).
Ayon sa LGU, ang organisadong disiplina sa pag-uulat na ito ay nakatulong umano upang higit pang maging maayos at epektibo ang operasyon ng real property assessment sa buong BARMM.
Ang magkakasunod na parangal, ayon sa LGU Sultan Mastura, ay patunay umano ng dedikasyon ng Sultan Mastura sa good governance, fiscal accountability, at patuloy na pagpapaunlad ng lokal na revenue systems—isang manipestasyon anila ng responsableng pamamahala at matatag na pagsunod sa mataas na pamantayan ng serbisyo publiko.



Comments