Sultan Mastura LGU, at UNHCR, nagtulungan para sa pagpapatupad ng digital birth registration sa BARMM
- Diane Hora
- 41 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahalaga ang birth registration bilang legal na dokumento ng pagkakakilanlan at kapanganakan kaya naman nakipag-ugnayan ang United Nations High Commissioner for Refugees sa lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura sa pangunguna ni Mayor Datu Armando Mastura Sr, kaugnay ng pagpapatupad ng Digital Birth Registration sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang sa mga tinalakay ang mga tungkulin ng Municipal Civil Registrar at Municipal Social Welfare Office gayundin ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng UNHCR, MSSD at LGU Sultan Mastura upang mapabilis ang pagpapatala ng mga hindi pa rehistradong kapanganakan sa mga barangay.
Napagkasunduan din na palawakin ang kampanya sa impormasyon at ang paggamit ng digital system upang masiguro ang tamang pagkakakilanlan ng mga bata at iba pang mamamayan na walang kaukulang civil documents.
Layon ng inisyatiba na pagtibayin ang ugnayan ng mga institusyon at matiyak ang tuluy-tuloy na proteksyon sa mga marginalized sector sa rehiyon.



Comments