top of page

Sultan Mastura LGU, namahagi ng Iron-Fortified Rice sa ilalim ng SECURE Program katuwang ang WFP, People of Japan, at AECID

  • Diane Hora
  • Nov 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura ang pormal na pamamahagi ng Fortified Rice na ginanap sa Municipal Gymnasium ng Sultan Mastura noong November 21.


Ang programang ito ay bahagi ng SECURE Convergence Program ng Bangsamoro Food Security Task Force na pinamumunuan ng MSSD, katuwang ang iba pang ministries tulad ng MAFAR, MILG, BPDA, MENRE, MBHTE, MPOs, at MPW.


Kabilang ang bayan ng Sultan Mastura sa limang target municipalities sa Maguindanao del Norte, na napili base sa datos ng LGU at MSSD dahil sa mataas na antas ng malnutrisyon.


Nakatuon ang tulong sa Barangay Macabiso at Barangay Tambo, kung saan tig-250 Community Development Partners ang kabilang sa programa.


Bawat CDP ay makatatanggap ng 25 kilo ng fortified rice bawat buwan sa loob ng pitong buwan at P2,700 one-time cash assistance mula sa MSSD.


Kasama rin sa programa ang iba pang community activities tulad ng tree at bamboo planting, community gardening, waterways clearing, at fishpond development. Kinakailangang maglaan ang bawat CDP ng apat na oras bawat araw sa loob ng 10 araw kada buwan bilang bahagi ng kanilang community engagement.


Nagbibigay rin ang MAFAR ng technical support sa agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng vegetable seeds, fertilizers, at gardening tools.


Ang MSSD ang nangungunang ahensya sa pagtukoy ng mga CDPs, gamit ang I-PART digital system upang matiyak na prayoridad ang mga pamilyang may food insecurity, mga batang malnourish, buntis at nagpapasusong ina, senior citizens, at mga PWDs.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page