top of page

Suporta ng Office of the Vice President sa mga MSMEs, nagpapatuloy sa ilalim ng Magnegosyo Ta “Day Program

iMINDSPH

Binisita muli ng mga kawani ng Office of the Vice President mula sa Cebu, Bohol at Siquijor, a-18 ng Pebrero ang benepisyaryo ng programang Magnegosyo Ta ‘Day na si Angelie Rebonza, 35 years old sa Barangay Sirao, Cebu City.



Mayroong dalawang anak na nag-aaral sa elementarya si Angelie. Isa siya sa mga nabigyan ng 15,000 pesos para sa dagdag puhunan sa ilalim ng programa ng OVP para sa negosyo nito na sari-sari store at karinderya.


Ayon pa kay Angelie sa ibinahaging impormasyon ng OVP, simula nang matanggap niya ang

MTD grant, mas marami nang putahe ang kanilang iniluluto sa kanilang karinderya nadagdagan din aniya ang mga tinda niya sa kanyang sari-sari store.


Ang MTD program ang isa sa mga naunang inisiyatiba ng OVP para tulungan ang mga malilit na negosyante lalo na ang mga kababaihan sa pagsimula at pagpapatibay pa sa kanilang negosyo.

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page