Suspected shabu at mga bala, nasamsam ng awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Lake Sebu, South Cotabato; Karpentero, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang karpentero sa isinagawang anti-illegal drug operation ng awtoridad, kung saan nasamsam ang ₱105,000 halaga ng hinihinalang shabu at limang bala.
Kinilala ang suspek na si alyas “Berto,” 53-taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Hanoon, Lake Sebu.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15.584 gramo, tinatayang street value ₱105,971.20, at limang piraso ng mga bala para sa caliber .38 na baril, kasunod ng ipinatupad na search warrant para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dinala ang suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensiya sa Lake Sebu MPS para sa dokumentasyon at karampatang legal na disposisyon. Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa suspek.
Isinagawa ang operasyon ng Lake Sebu Municipal Police Station, katuwang ang South Cotabato Police Provincial Office, Regional Intelligence Division 12, at 1205th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12.



Comments