Swift Water Rescue Training Course, isinagawa ng PDRRMO Maguindanao del Norte sa bayan ng Barira
- Diane Hora
- Dec 4
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng liderato ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura, pormal nang binuksan ng probinsya ang Swift Water Rescue Training Course sa bayan ng Barira, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kung saan lumahok ang mga miyembro ng PDRRMO Maguindanao del Norte, MBLT-2, MDRRMO Upi, Sultan Kudarat at Buldon na nagpapakita ng mas malakas na inter-agency coordination.
Nagsilbing instructors naman ang BFP–Special Rescue Force BARMM kung saan kanilang iprinisinta ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at pagkakaisang response sa mga water-related incidents.
Itinuro rin sa kanila ang PPE handling, water entry, swim strokes, sculling, throw bag operations, at basic boat handling.
Layon ng aktibidad na palakasin ang kapabilidad ng mga responders lalo na sa mga swift-water emergencies at real-life disaster situations.



Comments