top of page

Tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua, namahagi ng hygiene kits sa Cotabato City Jail–Female Dormitory

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinanggap ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa Cotabato City Jail–Female Dormitory ang hygiene kits mula sa tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua.


Isinagawa ang distribusyon araw ng Lunes, July 27.


Pinangunahan ni Jail Warden Jail Inspector Cherry Durante ang koordinasyon para sa distribusyon habang kumatawan sa opisina ni Chief Minister Macacua sina Amana Moda, Political Affairs Officer II, at ilang kawani na aktibong tumulong sa aktibidad.


Ayon kay Warden Durante, mahalagang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga PDL upang mapanatili ang kanilang kalusugan at mabawasan ang panganib ng sakit sa loob ng pasilidad.


Kabilang sa laman ng hygiene kits ang sabon, toothpaste, toothbrush, shampoo, sanitary pads, at iba pang pangunahing gamit na makatutulong sa pang-araw-araw na kalinisan ng mga PDL.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page