Tatlong Contract of Service employees ng Cotabato City Government, ganap nang permanent employees at taos-pusong nagpapasalamat kay Mayor Bruce Matabalao
- Diane Hora
- Nov 5
- 1 min read
iMINDSPH

Mula sa pagiging clerk sa Cotabato City Health Office noong 1998, ngayon ay liaison na ng People’s Palace, si Rowena Buat na residente ng Poblacion 7 ay dalawampu’t pitong taon nang nagseserbisyo sa lokal na pamahalaan ng Cotabato City.
Ngayong isa na siyang permanent employee ng LGU.
Tatlumpu’t anim na taon namang Contract of Service employee si Amando San Lorenzo Edio.
Ngayon, isa na rin siyang permanent employee ng LGU Cotabato City — bilang pagkilala sa kanyang walang kapantay na dedikasyon sa paglilingkod, ayon sa lokal na pamahalaan.
Natupad naman ni Sajid Mamadra ang kanyang pangarap na maging permanent employee ng Cotabato City Governement makalipas ang dalawampu’t isang taon na pagiging Contract of Service employee.
Ilan lamang ito sa mga magagandang impormasyon at kwento na ibinahagi ng administrasysong Para sa Lahat sa State of the City Address 2025 ni Mayor Bruce Matabalao.



Comments