Tatlong indibidwal ang arestado sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato; ₱103,360 halaga ng shabu, nasamsam sa operasyon.
- Teddy Borja
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlong suspek ang nadakip ng pulisya sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang mahigit ₱100,000 halaga ng suspected shabu.
Isinagawa ang operasyon noong Martes, December 23, sa Barangay Upper Klinan ng bayan.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Nelson”, alyas “Nari”, at alyas “Gido”, residente ng General Santos City.
Nasamsam sa operasyon ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15.2 gramo, kasama ang ₱1,000 buy-bust money.
Agad dinala ang mga suspek sa Polomolok Municipal Police Station para sa proper documentation.



Comments