Tatlong magkakapatid sa South Upi, Maguindanao del Sur, natuklasan ng MBHTE na hindi nakapag-aral dahil sa pagkakaroon ng pambihirang kondisyon sa balat at problema sa paningin
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa paggunita ng World Children’s Day, isinagawa ng MBHTE ang isang child-mapping survey, isang pamamaraan upang mahanap ang mga bata na nangangailangan ng atensyon at mabigyan ng agarang tugon pagdating sa edukasyon.
Ito ay sa tulong ng Australian Government sa pamamagitan ng Education Pathways to Peace in Mindanao Program.
Sa mapping, natuklasan sa bayan ng South Upi ang tatlong magkakapatid na naninirahan sa liblib na lugar dahil sa kahirapan, may pambihirang kondisyon sa balat at problema sa paningin.
Ayon sa MBHTE, hindi pa sila kailanman nakapasok sa paaralan.
Ayon kay Principal Alejandro Intar, hindi nakapasok sa eskwela ang mga ito dahil sa pangamba ng mga magulang na makutya ng mga kaklase dahjl sa kanilang kondisyon, kaya hindi na sila pinag-aral.
Sa tulong ng Bangsamoro Child Finding Tool at ng Inclusive and Supportive Center for Learning model, agad silang na-refer para sa medical care at na-enroll sa paaralan sa pamamagitan ng isang flexible at suportadong learning approach.
Ngayong 2025, higit 206,000 na bata ang na-screen para sa functional difficulties sa panahon ng early registration gamit ang BCFT na maituturing na isang malaking hakbang upang mas maraming bata ang makita, matukoy ang kanilang pangangailangan, at mabigyan ng wastong suporta.



Comments