Tax collector sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, patay matapos pagbabarilin sa Barangay Sapakan; Negosyante, sugatan sa pamamaril matapos tamaan ng ligaw na bala
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Harris Mantes, 57 taong gulang, residente ng Barangay Sapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur habang sugatan si Reynaldo Amador, 45 taong gulang, negosyante at residente ng Brgy. Poblacion, Tacurong, Sultan Kudarat
Ayon sa imbestigasyon ng Rajah Buayan PNP, binaril ang biktima habang gumaganap sa kanyang tungkulin.
Agad kinuha ng pamilya ng biktima ang mga labi nito habang isinugod naman sa pagamutan ang sugatang negosyante.
Walang narekober ang awtoridad na basyo ng bala mula sa pinangyarihan ng krimen.
Comments