Team LIMO ni MDN with Cotabato City Cong. Bai Dimple Mastura, namahagi ng tulong sa mga markadz at iba pang institusyon
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Naglibot ang LIMO team ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Cong. Bai Dimple Mastura upang maghatid ng pagkain at munting ligaya sa iba’t ibang institusyon sa kanyang kaarawan.
Binisita ng kanyang team ang Markazul Aytam Orphanage sa Brgy. Gang, Sultan Kudarat; Mahad Al Iman Al Bukharie Al Alie lil Qur’an wa Sunnah sa Brgy. Bagua II, Cotabato City; Maqaari Aasayyed Ahmad Tucao Mastura lil Qur'anil Karrem at Maqaari Saida Jalilah sa Brgy. Rosary Heights 6, Cotabato City; hanggang sa Cotabato Bahay Maria Foundation sa Brgy. Poblacion 2, Cotabato City.
Bawat pagbisita ay patunay, ayon sa tanggapan ng mambabatas, na ang tunay na selebrasyon ay ang pagbabahagi ng kabutihan, pag-asa, at pagmamahal sa mga pusong higit na nangangailangan.



Comments