TESD Lanao del Sur, nagsagawa ng Community Training and Employment Coordinators’ Conference
- Diane Hora
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning palakasin ang koordinasyon at kakayahan ng mga Community Training and Employment Coordinators upang mas maging epektibo pa ang pagdadala ng skills training programs sa iba't ibang bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur, nagsagawa ang Technical Education and Skills Development LDS ng Community Training and Employment Coordinators Conference sa Iligan City noong November 19.
Sa isinagawang pagpupulong, ibinahagi ang kaugnay sa Skills Training Program at Skills Mapping upang matukoy at matugunan ang angkop na kurso sa pangangailangan ng komunidad at kung ano ang mga programang maaaring ialok sa kanila.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok sa TESD Lanao del Sur, sa pangunguna ni Provincial Director Asnawi Bato, para sa maayos at matagumpay na pag-organisa ng aktibidad na higit pang nagpapalakas ng kanilang koordinasyon sa mga LGU at barangay.



Comments