Tig-P60K Educational Assistance ang tinanggap ng 175 mag-aaral ng SKIA, Inc. mula sa TDIF 2024 ni Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura, katuwang ang MBHTE
- Diane Hora
- Dec 5
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pangunguna ni Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura, tinanggap ngayong araw ng 175 college students ng Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat Islamic Academy Foundation, Inc. ang tig-60 thousand pesos na educational assistance.
Ang pondong umabot sa 10.5 million pesos ay mula sa Supplemental Transitional Developmental Impact Fund 2024 ng mambabatas.
Katuwang sa naturang programa ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education na siyang namahagi ng mga tseke sa mga mag-aaral.
Sa ibinahaging mensahe ni SKIA President Atty. Datu Michael Mastura, pinaalalahanan niya ang mga benepisyaryo na gamitin ang natanggap na tulong para sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral.
Nagpapasalamat naman ang mga mag-aaral at magulang sa natanggap.



Comments