top of page

Top 1 Most Wanted ng Datu Odin Sinsuat PNP, sugatan sa isinagawang operasyon matapos umanong manlaban; isa pang suspek, arestado; mga armas, narekober

  • Teddy Borja
  • Nov 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sugatan ang Top 1 Most Wanted Person ng Datu Odin Sinsuat PNP matapos umanong manlaban sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad.

Isa pang suspek ang naaresto, habang narekober naman ang ilang matataas na kalibre ng armas.


Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon bandang alas-5:00 ng umaga sa Sitio Dikogen, Barangay Tanuel, sa bisa ng warrant of arrest.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Eron.”


Ayon sa mga pulis, bigla umanong nagpaputok ng baril ang suspek kaya napilitan silang gumanti ng putok.


Nagtamo ng tama ng bala ang suspek at agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) para sa agarang lunas.


Naaresto naman sa parehong operasyon ang isa pang suspek na kinilalang si alyas “Bay”, may asawa, isang welder, at residente rin ng lugar.


Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang iba’t ibang uri ng armas at bala, kabilang ang isang M16 rifle, caliber .45 pistol, pistolite, Bushmaster rifle, at ilang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol. Esmael Madin, katuwang ang 42nd Special Action Company (4th SAF), PIU, 1st PMFC, 2nd MP, RMFB-14, at 1404th PSOG ng MDNPPO.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page